Maraming magagandang karanasan ang ibinigay sa akin ng DLSU. Bukod sa obvious na pagkakakilala ko sa isang mahalagang lalaki sa buhay ko na nagngangalang Cire Cuevo. Ang aking mga kaibigan na nanatili sa aking tabi sa mga napakasayang araw at sa mga napakalungkot na mga araw.Napakaswerte ko at sakanila nakahanap ako ngmga "kuya" na kahit imposible na mangyari ay nagkaroon parin ako ng kuya at napakabait nilang mga kuya.Ngunit bukod sa mga kaibigang aking nakilala ay pinakamasaya ang aking karanasan sa organisasyong Danum. Maraming aktibidad na nangyari sa danum kung saan lalo ko nakilala ang aking mga ka-course, bukod sa mga bigating bisita ng industriya. maraming payo ang aking nakuha galing sa mga ito lalo na nung maging propesor ko si sir lourd de veyra ng TV 5.Maswerte ako at dumating itong mga taong ito sa buhay ko na kahit kailan hindi ko malilimutan.
Nagtapos ako ng mayroong dalawang parangal. Ang Honorable Mention bilang nakapagtapos ako ng mayroong cgpa na 3.0 pataas at ang Outstanding Undergraduate Thesis. Di ko naman talaga inaasahan na magtatapos ako ng may medalya nung una ako pumasok sa DLSU.Isang malaking ngiti na lamang nagagawa ko kapag nalalaman ko na mayroon akong pagasa. Pero iba nga naman talaga ang feeling pag nahawakan mo na at naisabit sa iyong toga ang medalya. Sulit ang mga puyat at hirap na aking dinanas pagkat nagkaroon ito ng magandang bunga. Maraming salamat sa aking mga propesor na nagturo at gumabay saakin.di ko malilimutan ang inyong mga itinuro.
Sa aking pagmamartsa at pagakyat sa entablado mayroon isang tao na sumagi sa isip ko.Hinihiling ko na sana nabubuhay padin ang aking ama na alam kong magiging napakaproud sa akin. O kahit di man siya personal na nandito.Alam ko at nakikita ko ang napakasayang mga ngiti at mata nito na nanunuod sa akin sa itaas. Para sayo inyo ito mama at papa. Hindi ko man kaya maging perpektong anak sinubukan ko at ginawa ko sa abot ng aking makakaya.
Ang sarap ng pagkain! eto ilan sa mga litrato ng pagkain ng kaunti ay matakam naman kayo.:)
Ang saya saya ko sa araw na ito. Ito na talaga iyon ang aking pagtatapos Ang simula ng pagtupad ng aking mga pinapangarap. Matutupad ko kaya ito? Abangan ang susunod na mga kabanata.
CONGRATULATIONS SA LAHAT NG MGA NAGTAPOS!
xoxo COLEEN